-- Advertisements --
image 208

Agad rumisponde ang Philippine Coast Guard (PCG) sa insidente ng oil spill sa paligid ng Barangay Tabangao, Batangas City.
Pero taliwas sa ibang mga kaso ng pagkalat ng langis, hindi ito nagmumula sa barko o bangka sa gitna ng laot, kundi sa itinatapon umano ng isang kompaniya na may oil mixture.
Batay sa imbestigasyon, nasa 500 hanggang 1,000 litro ng ginamit na langis na itinapon ng tauhan ng isang gas station ang nakaapekto sa humigit-kumulang 800 metro ng tabing ilog at lugar ng bakawan.
Sa pakikipag-ugnayan sa DENR sa syudad, agad na nagsagawa ng manual recovery ang PCG gamit ang absorbent pads at oil spill booms sa lugar.
Nag-deploy din ang mga concerned government agencies ng fence-type oil spill boom para mapigil ang spill.
Ang mga opisyal ay nangolekta din ng mga sample ng langis para sa pagsusuri sa fingerprinting ng langis at mga sample ng tubig para sa pagsubaybay sa kalidad ng tubig.
Iniulat ng Coast Guard District Southern Tagalog na 95% ng oil spill recovery operations ay natapos na.