-- Advertisements --

Sanib-puwersang mas paiigtingin pa ng Philippine Coast Guard at Philippine Drug Enforcement Agency ang kampanya nito kontra ilegal na droga na ipinupuslit sa mga coastline ng ating bansa.

Ito ay matapos na lumagda ang dalawang ahensya ng Memorandum of Agreement na pinangunahan naman Nina PDEA Director General Undersecretary Moro Virgilio Lazo, at PCG commandant, Admiral Ronnie Gil Gavan.

Sa ilalim ng naturang kasunduan ay idineklara ng dalawang ahensya ang mas pagpapaigting pa sa kanilang kooperason para sa pag-aresto at pagharang sa mga smuggled ilegal na droga, at controlled precursors and essential chemicals na dinadala at ipinupuslit sa ating bansa na pinapadaan naman sa dagat.

Kaugnay nito ay nagkasundo rin ang mag kabilang panig na magsagawa ng regular meetings kung saan tatalakayin ang usaping may kaugnayan sa operational matters, current status ng kanilang mga programa, at gayundin ang formulation ng mga kaukulang istratehiya alinsunod na rin sa mga objectives ng nilagdaang kasundaan ng dalawang opisyal.

Kaugnay nito ay magtatag din ang PDEA ng comprehensive information collection plan para naman sa pangangalap ng mga impormasyong na may kaugnayan sa illegal drug activities, kasabay ng pangungunahan sa mga narcotics investigation at pagsasagawa ng mga anti-drug operations.

Habang ang PCG naman ang inatasang mangalap, mangolekta, magproseso, at mag-analisa ng mga impormasyon upang mapigilang makapasok ang anumang smuggled illegal drugs sa mga coastlines.

Samantala, bukod dito ay makakasama na rin ng mga tauhan ng PCG ang mga tauhan ng PDEA sa pagsasagawa ng inspection sa mga merchant ships at vessels.