-- Advertisements --

Babantayan ng Philippine Coast Guard kasama ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang 10 payaw na inilagay ng mga mangingisda para maparami ang kanilang huling isda sa Rozul reef sa Recto Bank.

Ayon kay PCG spokesman for WPS Commodore Jay Tarriela, ang Rozul reef ay nagsisilbing traditional fishing ground para sa mga mangingisdang Pilipino. Ito aniya nag dahilan kung bakit tinukoy bilang prayoridad ang naturang reef na paglagyan ng mga payaw.

Una rito, ilang mga mangingisda mula sa Quezon at Palawan ang sumama sa PCG at BFAR para maglagay ng payaw sa Recto Bank sa WPS.

Ito ay sa kabila pa ng panghaharass ng mga barko ng China Coast Guard at Chinese maritime militia vessels na iniikutan at binubuntutan sila sa tuwing maglalayag sila patungo sa Recto bank.