-- Advertisements --

Hinikayat ng Philippine Chamber of Commerce and Industry si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na dapat pagtuunan ng pansin ang paghina ng peso kontra sa dolyar.

Ayon kay PCCI President George Barcelon, na sila ay nakipag-ugnayan na sa ilang opisyal ng gobyerno ukol sa nasabing usapin.

Naniniwala kasi sila na mas alam nila ang lagay ng negosyo sa mga lokalidad dahil sila ay nasa ground.

Mahalaga talaga aniya na tugunan ito agad ng pangulo para hindi na lumala pa ang sitwasyon.

Isa rin sa nakikita nitong paraan ay dapat mabuksan ng gobyerno ang importasyon dahil magkakaroon ng problema ng suplay ng ilang produkto kapag nalimitahan ito.