-- Advertisements --
image 131

Inaasahan ni PBBM ang mas matibay na ugnayan ng Pilipinas-China habang ipinagdiriwang ng dalawang bansa ang ika-48 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko sa kanilang pagitan.

Inalala ni Pang. Marcos Jr. ang pagkakatatag ng opisyal na relasyong diplomatiko sa pagitan ng Pilipinas at China sa ilalim ng kanyang ama at yumaong diktador na si Ferdinand Marcos Sr.

Aniya, ipinagmamalaki niya na naging bahagi siya sa paglalatag ng batayan kasama si dating First Lady Imelda Marcos at nagkaroon ng pagkakataon na makipag-ugnayan kay dating Chinese Chairman na si Mao Zedong noong 1974, na naging daan para sa makasaysayang pagbisita ng kanyang ama sa China noong 1975.

Sinabi ng Pangulo na ang kanyang pakikipagpulong kay Chinese President Xi Jinping kanina ay puno ng ng mutual cooperation at mutual respect.

Inaasahan mg punong ehekutibo ang patuloy na pagpapalakas ng bilateral relation ng Pilipinas-China, lalo na sa mahahalagang larangan ng pagtutulungan: turismo, agrikultura, kalakalan at pamumuhunan, at imprastraktura.

Dagdag dito, itinanggi ni Pang. Marcos Jr. na inilipat ng kanyang administrasyon ang patakaran ng gobyerno palayo sa China, sa gitna ng patuloy na tensyon sa West Philippine Sea gayundin ang pagsisikap ng gobyerno ng Pilipinas na palakasin ang relasyong pampulitika at militar nito sa Estados Unidos.

Bagama’t patuloy na umuunlad ang ugnayan ng Maynila sa Beijing kasabay ng pagbabago ng panahon, hindi pa rin ito aniya nagbabago sa anumang pundamental na kahulugan.