Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr.na ginagawa ng kanyang administrasyon ang lahat upang ayusin ang electricity supply ng bansa.
Ang pahayag ay ginawa ng Pangulo sa gitna ng pagbibigay importansiya sa mga ordinaryong electric consumers gayundin sa mga businesses at manufacturers.
Ayon sa Pangulo, mula sa supply hanggang sa distribution side ng kuryente ay sinisikap ng pamahalaan na maayos upang masiguro ang sapat na suplay ng kuryente Lalo na sa mga ordinaryong mamamayan.
Samantala, ipinagmalaki naman ni Pangulong Marcos ang pagiging pioneer ng Ilocos Norte sa renewable energy sa pamamagitan ng pagtatayo ng wind farm.
Sinabi ng Pangulo na ang unang wind farm sa Southeast Asia ay naitayo sa bayan ng Bangui at nangyari sa panahon ng kanyang termino nuon bilang governor ng Ilocos Norte.