-- Advertisements --

Tiniyak ni Pang Ferdinand Marcos Jr ang kaniyang buong suporta sa Department of Education sa kanilang hangarin na mapabuti ang kalidad ng edukasyon partikular ang mga ginawang remedial initiatives gaya ng learning camps,  upang matiyak na walang maiiwanan.

Sinabi ng Pangulo na maganda rin ang Catch-Up Fridays, itoy sa kabila ng tumataas na sea of novel education theories.

Aniya nasa pagbabasa ang pag-asa at nasa pagbibilang ang magandang kinabukasan.

Giit ng Presidente sa kabila ng institutional bottlenecks ang DepEd ay nakapagtayo at nakapag repair ng libo libong mga classrooms nuong nakaraang taon at kaniyang inaasahan na mas marami pang maitatayong classrooms.

Inihayag din ng Pangulo na doon sa mga nagdududa na maraming classrooms  ang itatayo at hindi makayanan ng budget, aniya gagamitin nito ang mandato ng tao para makamit ang inaasam na target at hindi masasayang ang kahit isang sentimo na pera.

Dagdag pa ng Pangulo upang matiyak ang kalusugan ng mga estudyante at guro hinimok nito ang Department of Health na makipagtulungan sa DepEd para palakasin ang health centers para suportahan ang mga school based health facilities at dental clinics.

Pinuri din ng Pangulo ang naging accomplishments ng Deped at sinabihan si VP Sara na ipagpatuloy ang magagandang gawain.