Naging mabunga at makabuluhan ang state visit ni Pang. Ferdinand Marcos sa Czech Republic na layong palakasin ang bilateral cooperation at multilateral partnerships sa pagitan ng Pilipinas at Czech Republic.
Nakausap ng Pangulong Marcos ang top 4 Czech Officials.
Sinabi ni Pang. Ferdinand Marcos Jr, malawak ang naging pag-uusap nila ni Czech Republic President Petr Pavel kabilang dito ang pagpapalakas sa bilateral ties, cooperation at multilateral partnerships ng dalawang bansa.
Kapwa tinunghayan ng dalawang lider ang paglagda sa Joint Communique na layong magtatag ng labor consultation mechanism sa pagitan ng Department of Migrant Workers (DMW) at Czech Ministry of Labor and Social Affairs.
Natalakay din sa pulong ang posisyon ng Philippine government sa isyu sa West Philippine Sea.
Nangako din ang Czech government na palawakin ang ugnayan sa ibat ibang oportunidad gaya ng trade and investments, agriculture, green economy, renewable energy, space, aerospace, education, tourism, defense at iba pa.
Naging produktibo ang pulong ni Pang Marcos kay Czech President Petr Pavel at Czech Prime Minister Petr Fiala kung saan nagkaroon ito ng bilateral meeting kung saan nagkasundo ang dalawang lider na palakasin ang bilateral relationship ng dalawang bansa.
Nakapulong din ng Pangulong Marcos si Czech Senate President Miloš Vystrčil at kaniyang binigyang-diin ang kahalagahan ng bicameral system sa Pilipinas.
Nakausap din ng Punong Ehekutibo si Czech Speaker of the Chamber of Deputies Markéta Pekarová Adamová.
Kasama ng Pangulo sina Senate President Juan Miguel Zubiri at Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa kaniyang meeting sa top 4 Czech officials.