Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pamamagitan ng kanyang social media account na kaniyang tinipon at pinulong ang mga bagong halal na governor at city mayor sa buong bansa upang mapag-usapan at talakayin ang pagbabalik ng face-to-face classes at ang booster campaign rollout sa bansa.
Sa kabila ng pagiging positibo sa COVID-19 virus, dumalo pa rin ang Pangulo sa pagtitipon virtually.
Pinasalamatan niya ang mga dumalo lalo na sina Vice President Sara Duterte, DILG Sec. Benhur Abalos, at DOH USec. Rosario Vergeire.
Iniulat din ng Pangulo na humingi siya ng suporta sa LGUs para sa booster campaign rollout upang mas ligtas na masimulan ang pagbabalik ng face-to-face classes at sa muling pagbubukas ng ekonomiya ng bansa.
“I hope that you will be part of the effort that we have to bring us back to normal. This is really part of the effort to bring us back to normal,” pahayag ni Marcos Jr. Binigyan diin ni Marcos Jr. ang kahalagahan ng in-person learning
at pagbubukas ng ekonomiya kung saan hindi inaaala ng bawat tao ang pagbabalik ng lockdown.
Nais din ng Pangulo na magsagawa ang LGUs ng large-scale immunization drive para sa booster shot na ang target ay mga bata upang ligtas silang makabalik sa eskuwela.