-- Advertisements --

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang Department of Education o DepEd na pakatutukan ang pagsasanay pa sa mga guro, bigyan ng nutrisyon ang mga kabataan at ihinto ang mga nagaganap na bullying sa mga eskwelahan maging online.

Ginawa ng pangulo ang direktiba sa ginanap na sectoral meeting kaninang umaga sa Palasyo ng Malakayang. Ayon kay DepEd Spokesperson Undersecretary Michael Poa lumalabas kasi sa Programme for International Student Assessment o PISA assesment nitong May 2022 hanggang March 2022 na kulelat o nasa low proficiency ng mga estudyante.

Dahil dito sinabi ni USEC Poa at DepEd USEC Gina Gonong na sa panig ng mga guro kailangang magkaroon sila ng specialization o masters degree dahil hindi sapat na nakapasa lamang sa Licensure Examination for Teacher ang isang guro. Nakikipag ugnayan naman ang DepEd sa DSWD para sa mas maayos na feeding program kung saan ngayong taon nasa P11.7 bilyong pisong pondo ang inilaan para sa nasabing proyekto.

Inihayag ni Poa na mayruon na silang ginagawang hakbang upang matigil na ang bullying sa eskwelahan maging ang cyber bullying. Nakatakdang bumuo ang DepEd ng Child protection committee sa mga paaralan upang i-monitor ang kaso ng bullying.

“Pagdating sa teachers kasi talagang para sa ating Pangulo napaka importante ang ating mga teachers. And we agree teaching quality will really improve. sabi nga ng ating Pangulo, he believes around 60-percent improvement kung mapabuti din natin iyong teaching quality,” pahayag ni Usec Poa.