Pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa mga concerned government agencies ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipinos nasa Iran ar Israel.
Sa ngayon nasa amman jordan na ang team na sasalubong sa mga pinoy na galing israel at iuuwi rito sa pilipinas o ang mga naghayag ng intensyong makauwi na rito sa bansa sa gitna ng giyera ng iran at israel.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro na mahigpit ang bilin ni pangulong ferdinand marcos jr, sa dmw, , dfa at owwa na isaprioridad ang kapakanan at kaligtasan ng mga pilipinong nasa dalawang bansa.
Kasama sa tulong na ibibigay para sa mga ililikas na pinoy subalit ayaw pang umuwi ay ang kanilang temporary shelter, pagkain, at tulong pinansiyal.
Sinabi ni castro na sa mga gusto nang bumalik dito sa pilipinas, may nakahanda aniyang 150 libong pisong tulong pinansiyal, transportasyon at accomodation support, medical assistance at livelihood assistance.
kasabay nito ay hinimok ng malakanyang ang mga pilipino sa iran at israel na makipag ugnayan sa embahada at konsulada ng pilipinas sa kanilang kinaroroonan para maipabatid ang kanilang kalagayan at matukoy kung anong tulong ang kanilang ninanais o pwedeng ipaabot ng gobyerno.