Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang ika-127th anniversary ng Philippine Navy ngayong araw na ginanap sa Naval Operating Base sa Subic, Zambales.
Sa nasabing event, kinilala ni Pangulong Marcos Jr., ang naging mahalagang papel ng Philippine Navy sa nagdaang halalan.
Ayon kay Pangulong Marcos naipakita ng mga tauhan ng Hukbong Dagat ang kanilang katatagan at katapangan masiguro lamang ang kapayapaan ng 2025 midterm elections.
Kasama ng Pangulo sa aktibidad sina Defense Secretary Gilberto Teodoro, PCO Secretary Jay Ruiz at AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner.
Highlight ng event ang pagbabasbas sa dalawang bagong biling patrol gunboat ang PG909 at guided-missile frigate na FFG06 na bahagi ng AFP modernization program.
Tema ng anniversary celebration ng Hukbo: Addressing Challenges, Promoting Regional Stability and Strengthening Maritime Security.