-- Advertisements --

Inatasan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang Philippine Coast Guard (PCG) na imbestigahan ang panibagong insidente sa West Phil Sea kung saan muling hinarang at binangga ng China Coast Guard ang mga barko ng Pilipinas na nagsasagawa ng routinary resupply mission sa BRP Sierra Madre.

Nais mabatid ng Pangulo ang circumstances ng insidente.

Ang ikakasang imbestigasyon ng PCG ay batay sa mandato ng International maritime laws.

Dahil sa panibagong insidente agad na nagpatawag ng command conference ang Pangulo sa Malakanyang kaninang umaga sa lahat ng mga security authorities upang talakayin at pag usapan ang panibagong paglabag ng China sa West Phl Sea.

Ang ginawa kasi ng China ay napaka delikado, iligal at walang ingat na pag maneuver ng mga barko ng China.

Ang ginawang pagbangga ng Chinese vessels sa barko ng Pilipinas ay nagsanhi ng damage.

Ang insidente ay nangyari sa loob mismo ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Siniguro naman ng pamahalaan na hindi nila ito isawalang kibo ang insidente.