-- Advertisements --
Inimbitahan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa opening ceremony ng FIBA World Cup 2023 sa Philippine Arena.
Sinabi ni Deputy Event Director Erika Dy na naipabot nila ang impormasyon sa MalacaƱan sa pagdalo ng Pangulo.
Bukod sa pangulo ay kabilang din na inimbitahan si Vice President Sara Duterte.
Noong unang naghost kasi ang bansa ng mga laro sa FIBA sa taong 1978 ay dumalo si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr sa opening ceremonies.
Ang dating pangulo pa ang nagsagawa ng ceremonial toss bilang hudyat ng pagsisimula ng laro.
Magsisimula ang laro sa Agosto 25 kung saan makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Dominican Republic.