-- Advertisements --
Patuloy na namamayagpag ang Magnolia matapos talunin ang Converge, 106–94, sa Philippine Basketball Association Season 50 Commissioner’s Cup sa Ynares Center Antipolo.
Pinangunahan ni Glenn Robinson III Chapman ang Hotshots sa kanyang 22 points at 14 rebounds, habang nag-ambag din si Zav Lucero ng 17 points at 14 rebounds.
Umangat sa 4–4 ang rekord ng Magnolia matapos manalo sa apat sa kanilang huling limang laro.
Bukod dito lumamang din ang Magnolia ng 20 points sa fourth quarter, ngunit muntik pang makabalik ang Converge na pinangunahan ni Juan Gomez de Liaño na nagtala ng 22 points.
Sa kabila ng late rally ng Converge, nanatiling kontrolado ng Magnolia ang laro hanggang sa huling minuto upang maselyuhan ang panalo.
















