-- Advertisements --
Pasok na sa twice-to-beat advantage sa quarterfinals PBA 50th Commissioners’ Cup ang NLEX Road Warriors.
Ito ay matapos na talunin nila ang Converge 100-81 sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.
Bumida sa panalo ng NLEX si Cady Lalanne na nagtala ng 22 points at 14 rebounds habang mayroong tig-21 point sina Schonny Winston at Robert Bolick.
Nasayang naman ang nagawang 21 points ni Justin Arana kung saan tuluyan ng natanggal ang FiberXers sa playoff.
















