Nadomina ng Rain or Shine Elasto Painters ang Magnolia 91-82 sa PBA 50th Season Commissioner’s Cup.
Nananatili sa unang puwesto ang Elasto Painters kung saan mayroon silang walong panalo at isang talo sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.
Bumandera sa panalo ng Painters si Gian Mamuyac na nagtala ng 25 points habang mayroong 25 points din at 14 rebounds si Jaylen Johnson.
Pinuri ni Rain or Shine coach Yeng Guiao si Mamuyac dahil siya ang nagdala sa koponan para sila ay manalo.
Nasayang naman ang nagawang 17 points, 11 rebounds ni Clint Chapman habang mayroong tig-16 points sina Jerome Lastimosa at Zavier Javier para sa Magnolia.
Mayroon ng apat na panalo at limang talo ang Magnolia kapantay ang San Miguel Beermen para sa ikapitong puwesto.
















