Namangha si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kaniyang nasaksihan na live fire exercise sa pagitan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano sa Zambales kung saan mga state-of-the-art weapons ang ibinida.
Umaasa si Pangulong Marcos na makikinabang ang bansa sa pinahusay na pakikipagtulungan sa Estados Unidos sa pamamagitan ng mga joint military exercises.
Sinaksihan ng chief executive ang live-fire sea drills partikular ang pagpapalubog sa isang lumang barko ng Philippine Navy na ginanap sa San Antonio, Zambales.
Ang Combined Joint Littoral Live Fire Exercise ng Armed Forces of the Philippines at United States of America (USA) armed forces ang siyang main event para sa Balikatan Exercise ngayong taon.
Nasa 1,400 Marines, soldiers, sailors, airmen at Coast Guards mula sa dalawang bansa ang nakiisa sa live fire exercis na may kinalaman sa pag-detect, pagtukoy, pag-target at pakikipag-ugnayan sa isang target na barko gamit ang iba’t ibang sistema ng armas sa lupa at air-based weapons systems.
Ang mga ginamit na bilateral weapon system para sa nasabing war games ay binubuo ng US at Philippine artillery, High-Mobility Artillery Rocket Systems (HIMARS) at ang Avenger air defense system.
Pinakilos din ang mga state-of-the art combat aircrafts kabilang ang AH-64 Apache attack helicopter, Philippine Air Force FA-50 Golden Eagle fighter-attack aircraft, F-16 Fighting Falcons, U.S. Marine F-35B Joint Strike Fighters, at ang U.S. Air Force Special Operations Command AC-130 Spectre gunship.
Isa sa itinampok na armas mula sa US arsenal ay ang HIMARS, isang full-spectrum, combat-proven, all-weather, 24/7, lethal at responsive, wheeled precision strike weapons system.
Sa isinagawang littoral live-fire event, isang command at control at sensor network ng U.S. Marine Corps ang nagbigay-daan sa iba’t ibang firing platform na maramdaman ang kanilang target para , bumuo ng mga solusyon sa pagpapaputok at maghatid ng tumpak na live fire sa target.
Ayon kay Balikatan 2023 Spokesperson Col. Michael Logico ang Balikatan ang isa sa pinakamalaking linya ng pagsisikap ng AFP sa mga tuntunin ng mutual defense board at security engagement board, at nagsisilbing pagkakataon upang ipakita ang interoperability sa pagitan ng AFP at Amerika.
Kapwa naman siniguro ng Pilipinas at Amerika na lalo pa nilang palalakasin ang ugnayan ng dalawang bansa partikular sa interoperability.
Ayon sa mga opisyal ng AFP at US Armed Forces ang pagsasanay ay para mapalakas ang capabilities and interoperability ng sa gayon matugunan ang modern-day security challenges.
Ang Balikatan ay nagbibigay ng pagkakataon para sa dalawang armadong pwersa na pahusayin ang kooperasyon, dagdagan ang mga kakayahan at pagbutihin ang interoperability sa sitwasyon ng labanan at pagtugon sa kalamidad.
Binigyang diin naman ni Col. Jackson Doan, U.S. Military Senior Representative for Balikatan 2023, na naging makabuluhan ang nasabing aktibidad dahil may mga bagong techniques at procedures ang kanilang naipatupad sa kauna-unahang pagkakataon at ito ay naging matagumpay dahil mabilis na ugnayan ng mga sundalong Pinoy at Amerikano.
Kabilang sa mga sumaksi din sa aktibidad ay sina AFP Chief of Staff Gen. Andres Centino, National Security Adviser Eduardo Año, Zambales 2nd District Rep. Doris Maniquiz at Zambales Governor Hermogenes Ebdane Jr.
Sa panig ng US, dumalo din sina Ambassador of the US to the Philippines MaryKay Carlson, US Deputy Assistant Secretary of Defense for South and Southeast Asia Lindsey Ford, at US Exercise Director Lt. Gen. William Jurney.