-- Advertisements --

Magkahiwayal na nakipagpulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr sina World Health Organization (WHO) director general Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus at dating United Kingdom prime minister Tony Blair.

Tinalakay nina Marcos at Blair ang mga iba’t-ibang usapin gaya ng bureaucracy at diplomasya.

Kasama sa pagpupulong kay Blair sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Senior Deputy Executive Secretary Hubert Guevara, Special Assistant to the President Antonio Lagdameo, t Ilocos Norte Representative Sandro Marcos.

Sa pulong naman ng pangulo kay WHO chief ay natalakay ng dalawa ang pagbabalanse sa pagitan ng ekonomiya at kaligtasan ng mga tao.

Pinuri ni Ghebreyesus ang vaccination drive ng Pilipinas laban sa COVID-19.

Nasa bansa kasi ang WHO chief para dumalo sa 73rd World Health Organization Western Pacific Regional Committee Meeting na ginaganap sa bansa mula Oktubre 24 hanggang 28.