-- Advertisements --
Hiniling ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga awtoridad na tiyakin ang patuloy na pagpapalabas ng COVID-19 allowance para sa mga health worker sa kabila ng hindi pagpapalawig ng pandemic state of calamity sa bansa.
Ito ang inihayag ng Pangulo ayon sa Presidential Communications Office sa isinagawang pagpupulong kasama ang health officials.
Tuluy-tuloy aniya ang pagbibigay ng allowance sa mga health workers para hindi maapektuhan ang kanilang matatanggap na sahod at benepisyo.
Nauna nang hinimok ng Department of Health (DOH) si Pangulong Marcos na palawigin ang state of calamity sa bansa na nagtapos na noong Disyembre 31, 2022.