Iniisa-isa nang talakayin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang iba’t ibang usapin, at isyung kinakahap ng bansa at gayundin ang kaniyang plano para rito sa kaniyang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA).
maraming sa kanyang tinalakay ang paghahanap ng solusyon sa maraming mga mga suliranin ng Pilipinas.
Para sa isyu sa ekonomiya, sinabi ni PBBM na magpapatupad sila ng sound fiscal management at gayundin ang paglalagay ng tax admin reforms para madagdagan naman ang revenue collections ng bansa.
Magkakaroon ng adjustment sa tax system para makahabol sa mabilis na development ng digital economy kabilang na ang imposition ng VAT sa digital service providers.
Liban nito, nangako rin siya na pagtitibayin pa lalo ang agriculture value chain mula sa mga magsasaka sa bansa.
Maglalabas aniya ng EO hinggil sa one-year moratorium ng land amortization and interest payments bilang pagsuporta sa mga magsasaka.
Hinikayat ang Kongreso na magpasa ng batas na magbubura ng utang ng nasa 654,000 agrarian reform beneficiaries.
Titiyaking malinis ang listahan ng 4Ps beneficiaries para matiyak na mapunta lamang sa mga kwalipikadong pamilya ang tulong na inilaan ng pamahalaan para rito.
Magpapatuloy ang supplemental feeding para sa mga bata.
Hinikayat ang lahat na magpabakuna na ng booster shot bilang paghahanda sa implementasyon ng full face-to-face classes.
Inatasan ang DOH at DILG na maglunsad ng bagong rollout ng mga booster shots
Ukol naman sa “poor quality” ng “educational materials: this must end.”
Iginiit na dapat ay mayroong mabilis na internet access ang mga kabataan para sa kanilang mga pag-aaral at iba pa.
Inatasan ang DOTR na gawing “full speed ahead” para sa mga infastracture projects.
Magtatayo rin ng bagong power plants bilang bahagi ng planong pagdadagdag sa energy production sa bansa
Tinatalakay din ni PBBM ang paggamit ng renewable energy at solar power efficiency.
Inungkat din ng pangulo ang planong pagre-examine sa pagtatayo ng sariling nuclear power plant sa Pilipinas.
Paggamit ng renewable energy bilang tugon sa top climate agenda ng bansa.
Inatasan ang DENR at DPWH na makipagtulungan sa mga private sector para tugunan ang problema sa supply ng tubig.
Nanawagan sa DFA na makipagtulungan sa DMW para tiyaking may trabaho ang mga OFWs na nawalan ng trabaho.
Mula 3 months ay gagawin na lamang 3 weeks ang processing ng application ng mga OFWs.
Gagawing simple ang handbook ng mga alituntuning ibinibigay sa mga OFWs para sa mas madaling pag-unawa.
Ilulunsad ang One Repatriation Command Center at maglalaan ng isang hotline para matulungan agad ang mga OFWs sa mga kapahamakan.
Nakikipag-ugnayan na rin daw sila sa pamahalaan ng Saudi Arabia upang buksan muli ang deployment ng mga OFWs doon.
Titiyakin ng DMW sa pamamagitan ng OWWA na makakapasok sa magagandang paaralan ang mga anak ng mga OFWs sa pakikipagtulungan ng iba’t-iba pang ahensya ng pamahalaan.
Nagpasalamat si Pangulong Marcos Jr. kay dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagpasa ng batas na bumuo sa Department of Migrant Workers (DMW).
Nangakong hindi hahayaan at iiwan ang kahit katiting man lang na teritoryo ng bansa laban sa mga foreign invaders.
Aniya, makikipag-usap at magiging mabuting karatig-bansa sa iba pang mga bansa hanggang sa makamit ang matibay na pakikipagkasunduan sa mga ito.
Tiniyak din niya ang paninindigan para sa independent foreign policy ng Pilipinas
Narito pa ang mga priority legislative measures ni Pangulong Marcos Jr.
-National Government Rightsizing program
– Budget Modernization Bill
– Tax Package 3 (Valuation Reform Bill)
– Passive income and financial inquiry taxation act
– E-government Act
– Internet transaction Act
– Government Financial Institutions Unified Initiatives
– Medical Reserve Corps
– National Disease Prevention Management Authority
– Creation of the Virology Institute of the Philippines
– Department of Water Resources
– Unified System of Separation, Retirement, and Pension
– E-Governance Act
– National Land Use Act
– National Defense Act
– Mandatory Reserve Officers’ Training Corps and National Service Training Program
– Enactment of an enabling Law for the Natural Industry
– Amendments sa Electric Power Industry Reform Act
– Amendments sa Build-Operate – Transfer Law