Pinatitiyak ni Pang. Ferdinand Marcos na nakahanda na ang P173 million standby-fund na gagamitin para sa halos 40,000 pamilyang apektado ng Super Typhoon Egay.
Ipinag-utos na rin ng Pang. Marcos ang deployment ng mga search and rescue teams sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng super typhoon.
Nananatiling nakatutok ang Pangulo sa sitwasyon ng super typhoon kahit nasa bansang Malaysia ito para sa tatlong araw na state visit.
Sa pahayag ng Pangulo, kaniyang sinabi na tuloy-tuloy ang pagkilos ng pamahalaan upang maaksiyunan ang mga maaring pinsalang dulot ng Super Typhoon Egay.
Sinabi ni Pangulong Marcos na bukod sa mahigit Php173 milyon na standby funds kasama din ang ilang pagkain at non-food items ang naka preposition ngayon upang matiyak na ang pagkain at iba pang suplay ay agad na maibibigay sa mga apektadong indibidwal.
Sa ngayon naka deploy na ang mga search and rescue teams ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP) at ng Philippine Coast Guard (PCG).
Sinabi ng Pangulo na kaniyang pinatitiyak ang kaligtasan ng mga pamilyang apektado ng Super Typhoon Egay sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, Central Visayas, at Soccsksargen.