-- Advertisements --

Naniniwala si House Committee on Ways and Means Chairman at Albay Represenstative Joey Salceda na maraming maibibidang hakbang si Pangulong Bongbong Marcos sa kaniyang ulat sa bayan na magsasabing bumuti ang sitwasyon sa bansa.

Ayon kay Salceda, inaasahan niyang ilalahad ni Pangulong Marcos ang pagbaba ng inflation rate sa 3.7 percent na nasa target range ng gobterno pati na ang unemployment rate na naitala sa 4.1 percent.

Tagumpay din aniya na maituturing ang 5.7 percent na paglago sa kabila ng pagbagal ng ekonomiya ng China at ang pabagu-bagong global conditions.

Gayundin ang naselyuhang kasunduan sa India para magsuplay ng bigas at mas marami pa sa sandaling maibsan ang export restrictions.

Dagdag pa ng kongresista, maaaring marinig mula sa punong ehekutibo ang kanyang mga plano upang tugunan ang global cost of living crisis at ang pagbibigay ng compensatory relief sa mga magsasakang nagtiis at lubhang naapektuhan ng El Nino sa loob ng tatlong buwan pataas.

Umaasa si Salceda na i-anunsiyo ni PBBM ang big ticket plans para sa Maharlika, Public-Private Partnership o PPP, PNR South Long Haul patungong Matnog, SLEX Extension patungong Bicol at iba pang investments.