Nagpa-alala ang Philippine Psychiatric Association (PPA) laban sa mga pahayag na nag-uugnay ng paggamit ng antidepressants sa suicide nang walang sapat na ebidensya at tamang konteksto.
Ayon sa grupo, ang ganitong uri ng spekulasyon ay maaaring makasira sa tiwala ng publiko sa evidence-based mental health care.
Binigyang-diin ng PPA na ang pagtuon sa antidepressants bilang sanhi ng suicidal thoughts, nang walang medikal na patunay, ay medically unsound at irresponsible.
Ipinaliwanag nila na ang depresyon at suicidal behavior ay komplikadong kondisyon na dulot ng kombinasyon ng biological, psychological, social, at spiritual factors.
Anila, ang maling pagbibintang sa gamot ay maaaring magtulak sa mga pasyente na iwasan ang tamang gamutan.
Dagdag pa ng PPA, may mga lehitimong mekanismo ng oversight at whistleblowing upang matiyak na ang ebidensya ay nananatiling kapani-paniwala at protektado.
Sa huli, iginiit ng asosasyon na ang transparency at accountability ay dapat isulong sa loob ng batas at tamang proseso upang mapanatili ang tiwala ng publiko.











