Nakatakdang makipagpulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga negosyante at mamumuhunan sa Canada sa kanyang opisyal na pagbisita mula Hulyo 1 hanggang 4, 2026.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, kabilang sa mga sektor na lalahok sa mga pagpupulong ang pagmimina, information technology (IT), business process management (BPM), telekomunikasyon, nuclear energy at serbisyong pinansyal.
Inaasahan ding malalagdaan ang mga kasunduan sa enerhiya, likas na yaman, kalakalan at pamumuhunan, paggawa at imigrasyon, turismo, at kultura.
Makikipagpulong din si Marcos kay Canadian Prime Minister Mark Carney upang palalimin ang ugnayan ng Pilipinas at Canada, kabilang ang kooperasyon sa depensa, seguridad, kalakalan, pamumuhunan, enerhiya at mahahalagang mineral.
Kasama rin ng Pangulo si First Lady Louise Araneta-Marcos sa pakikipagkita sa komunidad ng mga Pilipino sa Vancouver, British Columbia.
















