Ipinag-utos ni PBBM sa DA ang paggamit ng sobrang koleksiyon na lagpas sa P10 billion para sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) para matulungan ang rice farmers.
Ang P10 billion ay taunang requirement para sa RCEF na nagmumula sa revenues na nakokolekta mula sa taripang ipinapataw sa imported rice para pondohan ang mga programa at proyekto para malinang pa ang competitiveness at output ng palay farmers.
Tiniyak din ng Pangulo sa publiko ang pagpapatuloy ng naturang assistance para sa maliliit na magsasaka na posibleng naapektuhan ng pagtanggal na ng price cap sa bigas.
Ipjunag-utos din ni PBBM sa DILG na atasan ang mga lokal na pamahalaan na i-rationalize ang pass through fees at iba pang gastusin sa transportasyon na ipinataw sa mga sasakyang nagsasala ng goods o produkto gaya ng bigas.