Inutusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Agriculture na pag-aralan ang posibilidad ng pagtatayo ng mga storage fecilities para sa mga palay at mais sa buong bansa.
Ito ay para matiyak ang 30-day buffer stock para sa dalawang nabanggit na produkto.
Inatasan ng pangulo sina DA Undersecretary Drusila Bayate at National Food Authority Administrator Roderico Bioco napag-aralan ang posibilidad ng pagtatayo ng mga rice at corn stations, sa ilalim ng tinatawag na mother-daughter o ‘Hub and Spoke’ system.
Sa ilalim ng nasabing proposal, magtatayo ang pamahalaan ng 30 Mother stations sa buong bansa.
Bawat mother station ay magkakaroon ng daughter station na maaaring itatayo sa ilalim ng 30-kilometer radius mula sa mother station nito.
ang mga station o storage facilities na ito ay gagamitin na paglalagyan ng mga bigas at mais na maaaring tumagal para sa 30-day buffer stock na ninanais ng pamahalan.
Tiwala ang pangulo, na siyang ring tumatayo bilang kalihim ng DA, na magiging malaking tulong ito upang matugunan ang pangangailangan ng mga magsasaka na ibenta ang kanilang mga panindang mais at palay.
Maliban dito, matutulungan din ang mga mahihirap na kailangang bumili ng bigas, dahil sa maaaring gamitin ang mga storage facilities bilang supply store.