Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na biktima ang Pilipinas sa sarili nating tagumpay sa gitna na rin ng paghingi ng tulong ng mga world leaders sa ating bansa na magdeploy ng mas marami pang mga Pilipinong healthcare workers para magtrabaho sa ibang bansa na nagreresulta naman ng kakulangan ng medical professionals sa ating mismong bansa.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa pagpupulong kasama ang US-based na Business Executives for National Security kung saan sa bawat lider aniya na kaniyang makausap ay hiling ang karagdagang healthcare professionals gaya ng medical techinicians, doctors at nurses.
Sa kabila nito, sinabi ng Pangulo na tinutugunan na ng Department of Health ang kakulangan ng healthcare workers sa bansa.
Inaasikaso na aniya ang kasunduan sa ibang mga bansa na tatanggap ng Filipino healthcare workers kasabay ng pagsasanay sa katumbas na bilang ng healthcare workers na mananatili sa Pilipinas.
Sinabi din ng Punong ehekutibo na plano ng pamahalaan na i-accelerate nag board exam para makapag-produce ng karagdagang nurses.
Ilan lamang aniya ito sa mga pagbabago na ginagawa ng pamahalaan hindi lamang sa mga pasilidad kundi maging sa mga pagsaanay ng healthcare workers.