-- Advertisements --

Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Philippine Coast Guard (PCG) at ang Bureau of Aquatic Resources (BFAR) na panatilihin ang presensiya ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS) sa gitna ng presensiya ng China sa karagatan ng Pilipinas.

Ayon kay PCG spokesman for WPS Commodore Jay Tarriela na ipinag-utos ng Presidente ang patuloy na deployment sa Bajo de Masinloc o mas kilalang Scarborough Shoal sa ilalim ng ” Bagong Pilipinas” campaign ng Marcos Jr administration.

Sinabi ni Tarriela, ang Bajo de Masinloc ay isang trdational fishing ground para sa mga Filipinong mangingisda partikular sa mga kababayan natin sa Zambales, Pangsasina at mga kalapit na coastal area ng Northern Luzon.

“Dahil dito, it is now the guidance of our President to have a rational deployment between the Philippine Coast Guard and the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources to maintain our presence in Bajo de Masinloc,” he added.

Siniguro ni Tarriela na napapanatil ng PCG ang kanilang presensiya sa disputed waters habang ang BFAR ay nag-deploy din ng mga tauhan para magsagawa ng rotational deployment.

Dineploy naman ng BFAR ang kanilang barko ang BRP Datu Tamblot, o ang MMOV-3005, Cessna Caravan, RP-1077 at Cessna 208-B na nagmula sa Clark, Pampanga.

Ayon kay Tarriela sa isinagawang patrulya ng BFAR sa lugar nakabuntot ang China Coast Guard vessel 3105 hanggang sa dumating ito sa Bajo de Masinloc.

“So dinikitan siya at from then on, hindi na siya binitawan. The entire presence ng BFAR vessel dito it was consistently shadowed by the Chinese Coast Guard vessel particularly this one – China Coast Guard 3105,” pahayag ni Tarriela.

Siniguro naman ni Tarriela na mananatili ang kanilang preseniya sa WPS.