-- Advertisements --

Ipinakita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mahigpit na samahan ng US at Pilipinas.

Sa kaniyang pagharap sa New York Stock Exchange (NYSE) Business Forum, nitong madaling araw ng Martes oras sa Pilipinas, na hindi niya lubos maisip kung ano na ang magiging kahihinatnan ng Pilipinas kapag wala sa tabi nito ang US.

Maraming mga kumpanya na mula sa US ang siyang nagbigay malaking tulong sa ekonomiya ng Pilipinas.

Nasa US ngayon ang pangulo para sa pagdalo nito sa 77th United Nations General Assembly (UNGA) kung saan umaasa siya na makausap ng personal si US President Joe Biden.