Ginawa lamang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kaniyang kaukulang karapatan sa desisyong tuluyan ng itigil ang operasyon ng POGO sa bansa.
Ito ang binigyang-diin ni House Ways and Means Chairman at Albay Representative Joey Salceda.
Sinabi ni Salceda, ang phase-out na ito ay pinakamahusay na isinasagawa sa panahon ng pamumuno ni PAGCOR Chairman Al Tengco at ang mga tagubilin ni PBBM sa PAGCOR ay naayos na ngayon ng administrasyong ito.
Gayunpaman sinabi ni Salceda na mayruong epekto ang total ban sa POGO isa na dito ang revenue o kikitain ng gobyerno at maging sa buong internet gaming license na maituturing na isang malawak na kategorya kabilang ang online operations na may pinaka malaking na domestic players kung saan nasa P43 billion ang revenue.
Habang ang offshore gaming ay nasa P14 billion ang revenue.
Dahil sa naging desisyon ng Presidente, sinabi ni Salceda na trabaho niya ngayon ng maghanap ng panibagong mga alternative sources para madagdagan pa ang kita ng pamahalaan.
Sinabi ni Salceda, nasa 27,000 na mga Filipinos ang maaapektuhan sa total ban ng POGO na kailangang mahanapan ng trabaho.
Gayunpaman ang DOLE ay inatasan na tulungan ang mga maaapektuhang manggagawa.
Bukod sa kita o revenue, mawawalan ng trabaho ang ilang mga kababayan natin, apektado din ang mga real estate sector sa pag phase out ng POGO.
Ayon kay Salceda kaniya ng ipinunto na ang reclamation ay isa sa pinaka malaking source of potential revenues kung saan 50% nggovernment income ay mula sacreclamation.
Dagdag pa ng ekonomistang mambabatas, sa ngayon dapat muna isantabi ang privatization ng PAGCOR dahil sa kanilang role bilang regulator.
Kumpiyansa naman si Salceda kay Tengco na magagawa nitongf maging systematic, orderly, at maging fair ang transition.