Dumating na sa bansang Indonesia si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ito ang kinumpirma ng Office of the Press Secretary.
Ayon sa OPS, batay sa report ng Presidential Security Group, nag land ang sinakyang eroplano ng Pang. Marcos sa CGK Airport bandang alas- 12:35 ng tanghali.
Nakatakdang bisitahin ng Pangulo ang Filipino community.
Sa departure message ng Pang. Marcos sa NAIA Terminal 2 sa Pasay City kaniyang sinabi hangad nito na mapalakas pa ang relasyon nito sa bansang Indonesia at Singapore.
“My state visits to our ASEAN neighbors will seek to harness the potential of our vibrant trade and investment relations. As such, an economic briefing, business forums, and meetings have been organized to proactively create and attract more investments and buyers for our exports in order to accelerate the post-pandemic growth of our economy,” pahayag ni Pang. Marcos Jr.