Hindi na nasurpresa si Pang. Ferdinand Marcos Jr., sa pagbaba ng kaniyang approval ratings sa isinagawang Pulse Asia survey.
Sa isang panayam aminado ang Pangulo na dahil sa nararanasang hirap ng bansa lalo na ang pagsirit sa presyo ng bigas dahilan ng paghihirap ng ating mga kababayan.
Sinabi ng Chief Executive iba kasi ang usapin kapag bigas ang isyu dahil lahat ay naaapektuhan.
Kaya naiintindihan aniya kung bakit bumaba ang kaniyang approval ratings.
Giit ng Pangulo, hindi niya masisisi ang publiko kung talagang naghihirap ang mga ito.
Sabi pa nang Pang. Marcos hindi importante sa kaniya ang resulta ng survey, ang mahalaga sa kaniya ay ang kapakanan ng bawat pamilyang Pilipino na may makakain sa hapag kainan at abot kayang presyo ng pagkain.
Ipinunto ng Pangulo, ginagawa ng gobyerno ang lahat para matugunan ang isyu sa bigas dahilan na nagpatupad siya nuon ng price cap.
Subalit epektibo ngayong araw, tinanggal na ng Pangulo ang price ceiling sa bigas, matapos makitaan ng mga positibong indicators kung saan bumaba na ang presyo ng bigas sa merkado.
Naniniwala din ang Pangulo, na malaki ang naitulong sa pagsuspindi ng toll fees sa mga delivery trucks partikular ang pagdeliber sa bigas.
” It’s not surprising. People are having a hard time. ‘Yung bigas, ‘yang hirap… Bigas ito. Iba ang usapan pag bigas. It’s different from anything else, any other agricultural product. I completely understand it,” pahayag ng Pang. Marcos.