Kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles an “lubos na bumuti” ang kalagayan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos itong magpositibo sa COVID-19.
Ayon sa Kalihim, mismo ang personal doctor ng Pangulo ang nag-ulat nuong Sabado na maayos at nasa mabuting kalagayan ito.
“Ang kanyang personal na doktor, si Dr. Zacate, ay nag-ulat noong Sabado na ang Pangulo ay maayos at nasa matatag na kalagayan,” pahayag ni Sec. Cruz-Angeles.
Idinagdag pa ni Cruz-Angeles na si Marcos Jr. ay patuloy na nagtatrabaho habang naka-isolate at nagbibigay pa rin ng mga direktiba sa kanyang mga opisyal ng gabinete.
Noong Hulyo 8, nagpositibo si Marcos sa COVID-19 sa isang antigen test kung saan nakaranas din siya ng “mild fever, nasal stuffiness, nasal itchiness, at mild occasional non-productive cough.”
Humarap din ang Pangulo virtually ng tinipon nito ang mga governor at mayor sa pulong na kaniyang ipinatawag.