Naniniwala si Pang. Ferdinand Marcos Jr., na mahalaga ang role ng barangays sa governance at development ng bansa.
Dahil dito nananawagan ang Presidente sa sambayanang Pilipino na makiisa sa pagdiriwang ng National Community Development Day na nakatakda sa January 6,2024.
Sa video message ng Pang. Marcos malaki ang role ng mga pinuno ng barangay sa mungkahi na pasiglahin muli ang pagdiriwang community day.
Sinabi ng Pangulo na hindi deserve ng mga Pilipino ang maruming kapaligiran kaya panahon na para kumilos ang lahat para sa isang malinis at maayos na komunidad at gawin itong maaliwalas.
Giit ng Pangulo walang puwang ang dumi, dugyot at dilim sa isang pamayanan.
Pinaalalahanan din ni Pang. Marcos na ang karagatan ay hindi bagsakan ng mga dumi at mga plastics na siyang naging dahilan sa pagkamatay ng mga corals at marine life.
Inatasan din ng Pangulo ang mga concerned government agencies na ibahagi sa kanilang mga programa ang kalinisin at bigyan ng karampatang pabuya.