Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang pagtitiwala ang siyang basehan para makamit ang peace and stability sa rehiyon, partikular sa gawa hindi sa salita.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa kaniyang intervention sa 50th ASEAN-Japan Commemorative Summit sa kabila ng mga naiulat na paglabag sa international laws sa geopolitical environment sa Asya.
Binigyang-diin din ng Chief Executive ang intercontinental ballistic missile tests na ginawa ng Democratic People’s Republic of Korea at ang unilateral actions sa East and South China Sea na nagbabanta sa peace and stability ng rehiyon.
“We cannot overemphasize that trust is the basis of peace, a trust based on deeds and not merely words, especially in a geopolitical environment increasingly characterized by disruptions, by violation to the international rule of law, as we face common yet complex challenges together,” pahayag ni Pang. Marcos Jr.
Dagdag pa ng Pangulo mahalaga na matugunan ang karahasan at ang kalagayan ng mga tao sa Myanmar.
“While the seat beside us remains empty, Myanmar remains a member of ASEAN and, as a family, we should be ready to help in alleviating the situation through the Five Point Consensus, the United Nations mechanisms, as well as the [ASEAN Coordinating Centre for Humanitarian Assistance on Disaster Management or] AHA Center,” dagdag pa ng Pang. Marcos.
Samantala, nanawagan din ang Pangulo sa mga ASEAN member countries na ipagpatuloy ang partnership para sa kapaligiran habang tinutugunan ang mga banta sa kapayapaan.
Malugod din tinatanggap ng Pilipinas ang inisyatibo ng Japan na magagawa ng Asia Zero Emission Community Summit sa Lunes.
Nagpahayad din ng suporta ang Pangulong Marcos sa pagpapatibay sa Joint Vision Statement sa ASEAN-Japan Friendship and Cooperation.