Iniulat ng White House na pangungunahan ni United States President Joe Biden ang kanilang magiging bilateral meeting ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Washington sa susunod na buwan.
Ayon kay White House Press Secretary Karine Jean-Pierre, layunin ng pagbisita ng pagbisita ni Pangulong Marcos Jr. sa Mayo 1 na muling pagtibayin ang “ironclad commitment to the defense” ng Pilipinas at Estados Unidos.
Aniya, inaasahan din na mapag-uusapan ng dalawang leader ang iba’t-ibang mga pagsusumikap na mas palakasin pa ang alyansa sa pagitan ng dalawang bansa.
Pag-aaralan din ng mga ito ang mga oportunidad na mas palalimin pa ang economic cooperation at inclusive prosperity, kabilang na ang pagpapalawak pa ng special people to people ties ng dalawang bansa at iba.
Bukod dito ay tatalakayin din ng dalawan ang iba’t-ibang regional matters at gayundin ang mga usapin na may kaugnayan sa international law.
Samantala, sa Mayo 6 naman ay inaasahan din na dadalo sina Biden at Marcos sa coronation ni King Charles sa United Kingdom.