Aminado si Pangulong ferdinand Marcos Jr. na may mga ‘abuses’ sa Anti-illegal drugs campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Kasama rin dito ang aniya’y ‘human rights violations’ na nangyari sa nakalipas na administrasyon.
Sa naging pahayag ni Pangulong Marcos sa Center of Strategic and International Studies, bago siya tumulak papuntang UK, sinabi niyang masyadong nag-focus ang nakalipas na administrasyon sa ‘enforcement’ sa kampanya laban sa ilegal na droga.
Dahil dito, mayroon aniyang mga paglabag na nagawa ng ilang ‘elemento’ ng pamahalaan, na nagdulot ng dagok sa human rights situation sa Pilipinas.
Sinabi rin ng pangulo na sa likod ng malawakang anti-drug campaign ng Duterte Administration, lalo pang lumawak ang naging mas maimpluwensya ang mga sindikato.
Lalo din aniyang yumaman ang mga sindikato, sa kabilang ng crackdown.
Sa likod ng naging pahayag ng Pangulo, sinabi rin nitong wala ito sa posisyon para i-asses ang administrasyon ng isang pangulo, o ng kahit sino pang pangulo.
Hindi aniya, akmang papel para sa kanya, na magbigay ng anumang statement ukol sa isang administrasyon.