-- Advertisements --
Kinumpirma ng Presidential Communications Office (PCO) na “always available” si Pang. Ferdinand Marcos Jr., na makipag-usap kay dating Pangulo Rodrigo Duterte.
Ayon sa PCO tatawag ang Pangulong Marcos kay dating Pangulong Duterte para tanungin ito kung nais nitong makipagpulong.
” President Marcos is always available to former President Duterte. The President will contact him now to ask if he wants a meeting,” pahayag ng PCO.
Magugunitang sinabi ni Duterte na nais nitong kausapin si Pang. Marcos kaugnay sa isyu ng SMNI matapos suspindihin ng National Telecommunications Commission (NTC) ang operasyon ng isang buwan matapos ang mga nailathalang mga paglabag.