-- Advertisements --

Napilitang maghanap ng bagong training venue ang ilang teams ng Philippine Basketball Association (PBA), dahil sa nananatiling pag-aalburoto ng Taal volcano.

Nabatid na tatlong kopunan ang malapit sa Taal ang lugar ng pag-eensayo.

Kabilang sa mga ito ang Hotshots, Super LPG at Blackwater na nag-setup na sana sa Lipa at Laurel, Batangas.

Nabuo ang desisyon na ilipat ang lugar ng training dahil na rin sa ilang phreatomagmatic eruption na naranasan noong nakaraang linggo at nasundan pa ng apat na pagputok kaninang umaga.

Ang PBA teams ay dibdiban ang pagsasanay, para sa 46th season ng liga.