Magtutungo sa Japan ang ilang mga mataas na opisyal ng PBA sa darating na weekend.
Nakatakdang makipagkita ang mga ito sa mga opisyla ng Japan B. League para pag-usapan ang pagpapatibay ng relasyon ng dalawang malaking basketball league sa Asya.
Pinangunahan ni PBA board chairman Ricky Vargas at Commissioner Willie Marcial ang 16-man team delegation.
Makikipagpulong sila kay B League chairman Shinji Shimada at ialng opisyal nito sa Tokyo.
Noong Hunyo kasi ay nagkaroon na ng inisyal na pag-uusap sina Shimada at Marcial sa kasagsagan ng draw ng Eas Asia Super League na ginanap sa Pilipinas.
Sinabi ni Marcial na sa nasabing unang pagpupulong nila ay doon nataalakay ang pagtungo nila sa Japan.
Magugunitang maraming mga Filipino basketball players ang kinukuha na makapaglaro sa Japan, South Korea at Chinese Taipei dahil sa mayroon umanong malaking alok doon sa kanila.