Nagpasya si basketball icon Danny Ildefonso na muling maglaro sa PBA.
Ayon kay Converge FiberXers head coach Aldin Ayo na kanilang kinuha ang dating two-time Most Valuable Player na maglaro sa kanilang koponan.
Inaprubahan mismo ng PBA ang pagkuha ng koponansa 46-anyos na basketbolista.
Siya ang magiging pang-15 sa active list ng FiberXers.
Mula taong 2000 hanggang 2001 ay naging PBA MVP ito habang naglalaro sa San Miguel Beermen.
Sa loob ng 15 taon ay naglaro ito sa Beermen kung saan kasama siya sa walong kampeonato ng koponan noong 1998 ng makuha niya ang Rookie of the Year award.
Noong 2013 ay nai-trade siya sa Meralco hanggang tuluyang magretiro sa paglalaro noong 2015.
Mula noon ay naging aktibo siya sa basketball coaching at sa katunayan ay naging assistant coach ito ng National University Bulldogs at FiberXers.