-- Advertisements --

Balak ng Philippine Basketball Association (PBA) na makabili ng COVID-19 vaccine at idonate sa mga nangangailangan.

Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial, na kaniyang ipoprose sa Board of Governors ng liga na magpamigay kapag mayroon ng COVID-19 vaccine.

Kung sakaling payagan sila ng gobyerno na makabili ng bakuna uunahin nilang bibigyan aniya ang mga fronliners.

Magugunitang nakikipag-negosasyon na ang gobyerno sa Novavax para bumili ng 30 millioin doses ng bakuna hanggang sa Hulyo sa susunod na taon.