Nakatakdang magtapos ngayong araw ang deadline ng pagreremit ng mga employer sa Social Security Systemen payment contribution ng kanilang mga empleyado.
Sa isang statement ay inanunsyo ng naturang tanggapan na hanggang ngayong araw, Disyembre 29, 2023, na lamang maaaring makapagbayad ang mga employer ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado para sa mga buwan ng Setyembre at Oktubre 2023.
Habang ang mga contribution payment naman para sa Nobyembre 2023, at sa mga susunod pang mga buwan ay kinakailangan nang sumunod sa regular payment deadline na huling araw ng susunod na buwan.
Samantala, ang mga household employers naman ay maaaaring magremit ng kontribusyon para sa mga buwan ng Hulyo hanggang Setyembre 2023 hanggang ngayong araw din, habang ang mga contributions nito para sa Oktubre 2023 onwards ay kinakailangan na rin sumunod sa regular payment deadline.
Bukod sa mga ito ay nag-abiso rin ang SSS na maaari ring magsumite ngayong araw ng sickness notification para naman sa mga kasong may kaugnayan sa home confinement.