Pinamamadali na rin ng COVID19 survivor na si Sen. Koko Pimentel ang hakbang ng gobyerno para mabakunahan kahit ang mga wala pa sa priority list ngunit naghahangad nang maturukan ng COVID vaccine.
Ayon kay Pimentel, kung may sapat nang supply sa bansa, hindi na kailangang paghintayin ang iba pang sektor na gusto na ring maturukan nito.
Sa ganitong hakbang, mas lalakas ang laban natin para maibangon ang nanghihinang ekonomiya.
Nabatid na may ilang nasa priority list ang ayaw pa ring magpabakuna dahil sa iba’t-ibang rason.
Ang iba ay kulang sa tamang impormasyon, habang may ilan namang naghihintay pa ng brand na gusto nila mula sa malaking drug manufacturer.
“Some who are not on the priority list are excited to be vaccinated. Some who are prioritized don’t plan to get vaccinated. Better to just open up the system,” wika ni Pimentel.