Target umano ni LA Clippers forward Paul George na makabalik sa Nobyembre makaraang sumailalim sa operasyon sa parehas nitong balikat ngayong offseason.

Sa dahilang ito, sinabi ni George na hindi ito masasaksihan sa preseason suot ang uniporme ng Clippers.

Ayon kay George, maganda raw ang usad ng kanyang rehabilitasyon kahit na may ilang mga bagay pa ang kanyang inaayos.

“I will be out of the preseason,” wika ni George. “As of now, I’ll be out of October fully, but who knows? We’ll see. In the November range is our target date.”

Bubuksan ng Clippers ang kanilang regular season sa Oktubre 23 (Manila time) kontra sa Los Angeles Lakers, na susundan naman ng Golden State Warriors, Phoenix Suns, Charlotte Hornets, Utah Jazz at San Antonio Spurs.

Noong Mayo nang sumailalim sa right rotator cuff surgery ang 29-year-old forward upang ayusin ang tendon nito na bahagyang napunit.

Habang noong Hunyo naman ay sumalang ito sa isang minor surgery para sa punit na natamo ng kanyang left labrum.