Pinawi ng Metropolitan Waterworks And Sewerage System (MWSS) ang pangamba ng publiko sa pagbaba ng walter elevation sa mga dam, ngayong nasa peak pa rin ng El Nino phenomenon.
Ayon kay Engineer Patrick Dizon, Division Manager ng MWSS, normal lamang ang ganitong scenario at bahagi na ito ng kanilang napaghandaan.
Nangyayari umano ito kahit walang malaking weather phenomenon.
Nabantid na mula sa daily average decrease na 17 centimers, posible pa nga raw itong umabot sa 30 centimers.
Giit ni Engineer Dizon, ito ay dahil bukod sa El NiƱo, ay tumataas din ang konsumo ng mga kustomer lalo at papasok na ang tag-init.
Sa mga susunofd na araw ay ilalabas naman nila ang resulta ng ginawang pagpupulong nitong Huwebes, kasama na ang National Irrigation Administration, state weather bureau at iba pang may malaking role ukol sa distribusyon ng tubig.
-- Advertisements --