-- Advertisements --

CEBU – Ikinalungkot ni Bombo International Correspondent Pimy Paul mula sa Kerala, India ang kasaluluyang sitwasyon ng kanilang bansa dahil sa patuloy na pag-akyat ng COVID-19 cases.

Ayon nito na hindi ngayon ang panahon ng sisihan dahil kung tutuusin, ang bawat isa ay may kinalaman sa sitwasyon lalung-lalo na ang mga residente na hindi sumusunod sa health protocols laban sa coronavirus.

Aniya, una nang binalaan ng pamahalaan ang publiko kaugnay sa mga health standards laban ng pandemya at tungkulin ng bawat isa na proteksiyunan ang sarili at ang kapwa.

Sa ngayon, mas nakakatulong umano ang ayuda na ibinigay ng iba’t ibang bansa gaya ng Singapore at Estados Unidos.

Samantala, nagpapatuloy ang vaccination rollout sa bansa kung saan ito mismo ay nakatanggap na ng unang dose ng bakuna at hinihintay na lang nito ang second dose ng Covishield.

Kaugnay nito, hinimok ni Paul ang publiko na hindi magpapakampante at patuloy na tumalima sa ipinatupad na minimum health standards laban sa nakakamatay na virus.