-- Advertisements --

DAVAO CITY – Patong-patong na kaso ang haharapin ng isang pulist matapos barilin ang kabaro nito dahil sa sobrang kalasingan.

Kinilala ang suspect na si Corporal Richie Cuberos, 31, residente ng Barangay Miranda Babak Island garden City of Samal at miembro ng Sta. Ana Police Station.

Batay sa report, alas-10:30 nitong Martes ng gabi, nang rumesponde si Arenas ng Bunangin Police station matapos makatanggap ng report na mayroong isang lalaki na nagwawala sa isang ATM booth malapit sa Southern Philippines Medical Center.

Pinayuhan umano ni Arenas si Cuberos na umuwi na lang dahil parang lasing umano ito, pero kinuha nito ang kanyang service firearms at pinaputukan si Arenas.

Matapos ang insidente, dali-daling tumakas si Corporal Cuberos patungog Brgy Wilfredo Aquino, Agdao lungsod ng Dabaw.

Pero nahuli pa rin ito matapos isinagawa ang hot pursuit operation.