CENTRAL MINDANAO- Dalawa ang nasawi sa pananambang ng mga armadong kalalakihan sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang mga napatay na sina Basser Cabuyao,35 anyos,Security Guard ng Cotabato Electric Cooperative (Cotelco-Carmen),residente ng Brgy Malamote Matalam North Cotabato at Karen Callos,34 at nakatira sa Purok Masagana Brgy Poblacion Kabacan Cotabato.

Ayon kay Cotabato Police Provincial Director Colonel Maximo Layugan na habang lulan ang mga biktima sa isang motorsiklo mula sa kanilang trabaho at papauwi na sana sa kanilang mga tahanan ngunit pagsapit nila sa Sitio Lumayong Brgy Kayaga Kabacan Cotabato ay bigla itong pinagbabaril ng mga hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Kabacan.

Patay on the spot ang Security Guard na nagtamo ng tama ng bala sa ulo at dibdib habang naisugod pa sa pagamutan si Callos ngunit hindi na umabot ng buhay .

Sa ngayon ay blangko pa ang mga otoridad sa motibo sa pamamaril patay sa mga biktima at patuloy pa silang nag-iimbestiga.